Adobong Baboy Recipe

Adobong Baboy - Pinoy Recipe Photo Credit 

ADOBONG BABOY

Ingredients of Adobong Baboy Recipe:

1 kilo ng baboy (pigue o kaya ay liempo)
1 tasa ng sukang Tagalog
1 ulo ng bawang pinitpit na o hiniwa ng pinong-pino
3 piraso ng dahon ng laurel
½ tasa ng toyo
2 tasa ng tubig
pamintang buo
3 kutsara ng mantika

Paraan ng pagluluto ng Adobong Baboy

Sa isang kawali, iprito ng katamtaman ang pira-pirasong baboy.
Isama ang suka, toyo, bawang, dahon ng laurel, pamita at tubig.
Hayaang walang takip.
Hayaang kumulo hanggang maluto ng husto ang baboy.
Kung matutuyuan, dagdagan ng kaunting tubig.
Kapag naluto, ihain ng mainit.